Tuesday, October 15, 2013

Philippine literature

Philippine literature is the literature associated with the Philippines and includes the legends of prehistory, and the colonial legacy of the Philippines. Most of the notable literature of the Philippines was written during the Spanish period and the first half of the 20th century in Spanish language. Philippine literature is written in SpanishEnglishTagalog, or other native Philippine languages.

Suehiro Tetcho's (Storms on the south seas) and the Meiji Period Debate on Expansion in the Philippines

Suehiro Tetcho's (Storms on the south seas) and the Meiji Period Debate on Expansion in the Philippines


Suehiro Tetcho's novel Nanyo no daiharan (1891) about the Philippines expelling the Spanish and welcoming the Japanese in their place, appeared together with actual expansion activities into the Philippines and a series of intellectual debates about this expansionism. At the time, Japan had just established diplomatic relations with Spain, and was urged to establish a consular office in Manila and a Kobe-Manila shipping route. Japanese immigration was considered as well, but the two sides had very different purposes in mind: Spain wanted to curry favor with Japan as well as to calm matters in the Philippines with "docile" Japanese while the Japanese government was planning economic expansion into Southeast Asia.
Contemporaneously, intellectuals such as Sugiura Jugo, Suganuma Teifu, and Fukumoto Nichinan were also promoting Japanese expansion into the Philippines - Sugiura encouraging colonization while Suganuma and Fukumoto promoted economic expansion. Using keywords such as "entrepreneurial spirit" (shinshu no kisho) Suganuma and Fukumoto reasoned that the Japanese should sweep away the passive characteristics from 200 hundred years of seclusion by adopting a directly active foreign development policy. Either way, at the time Japanese activity in the Philippines was neither economically nor politically feasible, and both the consulate and the shipping line were soon abandoned. Despite this, expansion into the Philippines continued to be advocated, a fact which, especially in retrospect, indicates alternate discursive or social value. Thus, it is possible to argue that this debate was not based on rational economic need, but on a need to stretch the limits of human imagination or to "construct" a political reality. Taken one step further, it is also possible to argue that this allows a rare glimpse into the functions of "narrativity" itself.
With this as a theoretical point of departure, this dissertation investigates two main issues. First, Suehiro Tetcho's Nanyo no daiharan (Storms on the south seas) is analyzed together with political theories and historical data from the same time period in order to demonstrate how literature and politics were both developing "imaginative power" in their focus on expansion into the Philippines. Building on this, the dissertation then explores the connection between the creation of subjectivity for the nation state and the use of "southern expansion" as a popular fictional theme to further question the functions of narrative and its role in the discursive formation of foreign relations.


Repleksyon:
        nalaman ko na ang Suehiro techos ay nakipagkapwa teksto sa Noli Me Tangere ni Rizal dahil parehas sila ng ilang pang yayari at mga naganap sa kwento pero sila ay nag kaiba sa wika,uri ng pag sulat at pormat.Parehas din sila nobela.
         Ang naramdaman ko ay masaya dahil merong nakikipagkapwa teksto kumukuha ng ediya sa gawa ng mga pinoy.

SA AKING MGA KABABATA

SA AKING MGA KABABATA

KAPAGKA ANG BAYA'Y SADYANG UMIIBIG 
SA KANYANG SALITANG KALOOB NG LANGIT, 
SANLANG KALAYAAN NASA RING MASAPIT 
KATULAD NG IBONG NASA HIMPAPAWID. 

PAGKAT ANG SALITA'Y ISANG KAHATULAN 
SA BAYAN,SA NAYO'T MGA KAHARIAN, 
AT ANG ISANG TAO'Y KATULAD,KABAGAY 
NG ALINMANG LIKHA NOONG KALAYAAN. 

ANG HINDI MAGMAHAL SA KANYANG SALITA 
MAHIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA, 
KAYA ANG MARAPAT PAGYAMANING KUSA 
NA TULAD NG INANG TUNAY NA NAGPALA. 

ANG WIKANG TAGALOG,TULAD DIN SA LATIN, 
SA INGLES,KASTILA'T SA SALITANG ANGHEL, 
SAPAGKAT ANG POONG MAALAM TUMINGIN 
ANG SIYANG NAGGAWAD,NAGBIGAY SA ATIN. 

ANG SALITA NATI'Y TULAD DIN SA IBA 
NA MAY ALPABETO AT SARILING LETRA, 
NA KAYA NAWALA'Y DINATNAN NG SIGWA 
ANG LUNDAY SA LAWA NOONG DAKONG UNA 


                                              ni:DR. JOSE RIZAL

 Repleksyon:
               Ang tulang "Aking mga Kababata" ay tungkol sa wika natin na kung paano ito gamitin,bigyang halaga at pangalagaan.
               nalaman ko na nagawa ito ni rizal sa kanyang murang edad at ako ay natutuwa dahil inpirado siya sa kanyang kapaligiran o kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid pero medyo nalulungkot ako dahil medyo kinalilimutan na ng maga kabataan ang mga ito.

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

 Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos. 

          Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong.
          Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.
          Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso.

          Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.
Repleksyon:
nalaman ko na si Rizal ay isang matalinong mamamayan at isa rin siyang matapang na mamamayan dahil nilabanan niya ang mga kastila pero hindi gamit ang lakas ngunit ang gamit ang talino.Siya ay nag aral sa ibat ibang lugar at dahil sa kanyang katalinuhan kanya nang minulat ang kanyang mga kababayan para mag alsa sa mga kastila kaya niya ito nagawa dahil nakita niya mang mga kastila na inaapi ang mga pilipino pero salamat dahil sa nag aral siya sa ibat ibang lugar nalaman niya na malapit nang bumagsak ang kastila kaya dito na nagsimula ang kanyang pag aalsa gamit ang kanyang pagsulat.

Ano ang nobela

Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. 


Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.




           Repleksyon:
                   
                     nalaman ko na ang nobela ay isang napaka habang kwento na umaabot mahigit hanggang limampung kabanata.Karaniwan itong walang mga larawan kaya nag bibigay ito sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan ng pag katamad sa pag babasa nito.

Ano ang epiko

Ang epiko  Ang epiko ay kuwento ng kabayanihan. Punung-puno ito ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod. Mga Epiko ng iba't-ibang rehiyon: * Biag ni Lam-ang (Iloko) * Indarapatra at Sulayman(Muslim) * Bantugan * Bidasari * Tuwaang (Bagobo) * Tulalang (Manobo) * Ibalon (Bicolano) * Labaw Donggon (Kabisayaan) Sana Makatulong sa inyo. 

ANOTHER ANSWER:
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. 

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma. 

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan. 


Mga Epiko ng Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim, Ibaloy, Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Drangan 



Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey ng Gresya, Siegried ng Alemanya, Kaleva ng Pinlandiya, Ramayana at Hiawatha ng India, Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya, Beowulf ng Inglatera, El Cid ng Espanya, Epiko ni Haring Gesar (Tibet) 

ang epiko ay isang katang isip lamang pero itoy isang 


Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego "epos" na nangangahulugan salawikain o awit. Ito ay isang awiting o isatuno. Hango ito sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayari mahiwaga o kabayanihan n mga tauhan. . . . . . .




     repleksyon:
             nalaman ko na ang epiko ay Malalim ang kahulugan ng salita at ito ay karaniwang mahaba at ang pangunahing tauhan ay karaniwang may super natural na kapangyarihan o kakayanankaraniwan din itong gawa ng mga pangkatin ng mga pilipino.

Buod ng noli me tangere

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.




         Repleksyon:
             nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at ito rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya ni Rizal na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal sa buhay
             masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa mga kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere.